𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞 | Klase sa lahat ng antas sa Bulacan muling sinuspinde
👤 NC Administrator | 📅 August 09, 2026
Alinsunod sa Memorandum DRF-08092026-510 ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), suspendido ang klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong Lalawigan ng Bulacan bukas, Lunes, Agosto 10, 2026.
Ang suspensyon ay ipinatutupad dahil sa patuloy na pag-ulan at inaasahang masamang lagay ng panahon na maaaring magdulot ng pagbaha, flash flood, at landslide sa ilang bahagi ng lalawigan. Pinapayuhan ang lahat ng mag-aaral, guro, at mga kawani na manatiling alerto at mag-ingat, lalo na sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng pagbaha at pagguho ng lupa. Patuloy ding subaybayan ang mga opisyal na anunsyo mula sa mga kinauukulang ahensya.
Stay safe, NCians!